Sino
si Jocelyn Raymundo?
One
of the truths about James Silver
Jocelyn Raymundo: Pinakamatalinong teacher
na nakilala ko sa tanang buhay ko. Sya ang dahilan kung bakit ako nagsusulat
ngayon.
May pagkapasaway akong estudyante noon.
Ilang beses na rin ako muntikang ma-kick out dahil sa mga gulong pinasok ko.
Palagi akong nagka-cutting at palagi akong tulog sa klase. May makatotohanang
dahilan naman ako kung bakit ko yun ginagawa. Pero sa tuwing patatalsikin na
ako sa school, palagi nya akong pinagtatanggol. Sinusuportahan nya ako sa
lahat. At isa sa pinakasuportado nya saken ay ang pagsusulat. Palagi nyang
ginagawang halimbawa ang mga gawa ko.
Isang araw, naisipan nyang ilaban sa school
competition ang isang akda ko, na pinamagatang"Wasalak". Nakasali kami,
pero kami ang may pinakamababang score. Hindi ako umiyak nung natalo ako kasi
wala naman talaga akong tiwalang mananalo kami. Talo. Pero hindi ko napigilan
yung luha ko nung nakita ko syang iyak ng iyak nang dahil lang sa natalo ako.
Hindi ko alam nun kung bakit sobrang tindi ng tiwala nya saken. Ang sabi nya
saken nun.
"Wag ka mag-alala, susubukan ulit
naten next year." nginitian ko na lang sya nun. Pero wala na talaga akong
balak sumali pa. Kasi pakiramdam ko napahiya na ako eh.
Fourth year na ako nun, sya pa rin ang
paborito kong teacher. Well, sya lang naman kasi ang pumapansin saken pag
dating sa talento ko eh. Pinagsulat nya ako ng pinagsulat. Nagrereklamo na nga
ako kasi marami nang sinusulat sa klase, madugong sulatan pa rin pag dating sa
kanya. Ganyan sya kalupit saken.
Sumali ulit kami ng competition. At sa
pangalawa at huling pagkakataon ko. Natalo kami ulet. Umiyak na naman sya. Ako
hindi na, kasi alam ko naman na ang mangyayari eh.
“Marami pa namang pagkakataon. Hindi lang
naman sa school ang mga ganitong competition eh.” Sabi nya.
Malapit na ang graduation noon. Syempre
lungkot lungkutan ang mga estudyante. Pero masaya rin kasi excited na sila sa
mga papasukan nilang college. Ako hindi, wala lang. Gagraduate lang ako, yun
lang ang nasa isip ko. Kasi hindi naman ako makakapag-college eh.
Graduation. Masaya na malungkot. Ewan.
Syempre, usap sa mga kabarkada. “Mamimiss kita. Inuman pa rin tayo minsan ah.”
Mga ganyang uri ng litanya. Si ma’am Raymundo lang ang may sinabing matino
saken. Magtiwala daw ako sa sarili ko at may mararating ako. Tinandaan ko yung
mga sinabi nyang yon. At ginawa ko naman.
Pagkagraduate ko ay diretso na sa trabaho.
Hindi na ako nakapag-college. Pinag-awayan pa nga namin ng nanay ko yung
tungkol doon eh. Sa tuwing mababanggit ko na gusto kong mag-aral, eh naiiyak na
lang sya at nagagalit saken. Hanggang sa nagtuloy-tuloy na ang pagtatrabaho ko
at hindi na nga ako nakapag-aral.
Sampung taon na ang lumipas simula nung
grumaduate ako. Tanda ko pa rin ang mga sinabi ni ma’am. Magkikita kami sa
school para sa alumni, nahihiya ako. Pumunta pa rin ako kahit na medyo matindi
ang hiya ko. Yung mga kasama ko kasing gago, hayun seaman na. Ako ‘tong
pinagkatiwalaan at may talent. Heto isang masahista. Pupunta lang sana ako para
makikumusta. Pero iniiwasan kong makita ako ni ma’am. Dahil sa lahat kasi ng
nandun ay sa kanya ako pinaka-nahihiya. Pero hindi ako nakaiwas sa kanya.
“Kenneth, kumusta na? Ano nang nangyari
sayo?’ napakamot lang ako ng ulo dahil hindi ko sya masagot. Hindi ko alam kung
saan nanggaling ang emosyon ko, pero bigla na lamang akong naiyak nung tanungin
nya ako. Napahagugol ako sa sobrang hiya sa kanya. Ang estudyanteng
pinagtanggol nya ng ilang ulet at ang estudyanteng pinagkatiwalaan nya; heto
walang narating.
“Ma’am, wala pong nangyari saken eh.
Nahihiya po ako sa inyo.” Habang umiiyak ako.
“Tumahan ka nga dyan, buhay ka pa, kaya
hindi pa tapos. Naniniwala akong may mararating ka pa rin.” Sabi nya.
“Sana nga po.” Sabi ko.
“I’m proud of you.” Sabi nya na talaga
namang ikinahagulgol ko. Hindi ko alam ang ibig sabihin nya doon pero, ang
salitang yon ang nagpaliyab ng husto sa damdamin kong umaasa pa rin sa buhay na
taglay ko. Mga salitang tapos na, pero pinag-ugatan ng bagong buhay ng aking
hangaring magtagumpay. Tinandaan ko ang mga sinabi nya. “Magsulat ka hanggang
maputol yang kamay mo.” Dugtong nya.
Limang buwan bago ako magsimulang magsulat
ng mga walang kakwenta kwenta kong storya sa fb. Nabalitaan kong namatay na
sya. Alam ko na halos dalawang taon nya nang iniinda yon. Pero hindi ko inakala
na ganun na pala katindi yon. Hindi ko man lang sya nakumusta, dahil hindi na
ako nakabalik ng tandang sora. Pinatay sya ng cancer sa buto. Huling kita namin
nakalagay na sya sa isang banga.
Nawala ang katawan nya dito sa mundo. Pero
habang panahon syang mananatili sa puso ko. Habang kaya ko pa magsulat,
magsusulat ako. Magsusulat ako hanggang mamatay ako. Magsusulat ako kahit
walang magbasa. Imortal ang lahat ng salitang binitiwan nya saken na hanggang
ngayon ay naririnig ko pa. “Magsulat ka, hanggang maputol yang kamay mo.”
“So long as men can breathe or eyes can
see; So long lives this, and this gives life to thee.” – W.S. Napakaswerte kong
tao dahil kay ma’am ay naiintindihan ko kung ano ang ibigsabihin neto. Wala man
sya sa mundong ito ay palagi ko namang matatandaan na minsan sa buhay ko ay may
isang Jocelyn Raymundo na nagbigay ng buong tiwala sa lahat ng magagawa ko.
Alam ko na kung bakit proud saken si ma’am.
At isang bagay ito na habang buhay kong ipagmamalaki. Ito ang natatanging meron
ako. Ang tanging sandata ko para hindi ako bumagsak sa laban ng buhay ko.
Magsisikap ako at patuloy akong magsusulat. Walang tanong, walang pero.
Magsusulat lang ako. At ibabahagi ko sa lahat ng makakabasa ng akda ko ang aral
na itinuro saken ng isa sa mga bayani ng buhay ko.
Kung nasaan ka man ma’am, alam kong masaya
ka na. Dito lang ako at palagi kitang aalalahanin. Kagaya ng sinabi mo, hindi
ako hihihinto sa pagsusulat. At isa sa mga araw na darating sa buhay ko. Sisiguruhin
kong mula dyan sa kinalalagyan mo, tutulo ang luha mo at maririnig ko ang sigaw
mong aalingaw ngaw dyan sa buong kalangitan. “ESTUDYANTE KO YAN!”